BRIGADA ESKWELA 2016

Ang CAGAYAN II ELECTRIC COOPERATIVE, INC. ay naki-isa sa BRIGADA ESKWELA 2016 ng Department of Education na may temang “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos, at Handa mula Kindergarten hanggang Senior High School.”

Ang BRIGADA ESKWELA KURYENTE CHECK ay isinasagawa taun-taon ng CAGELCO II upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa loob ng paaralan sa anumang sakuna na maaaring idulot ng mga linya ng kuryente.