Patungong Nueva Vizcaya ngayong araw, Nobyembre 12, 2025 ang apat na Line Workers ng CAGELCO II na sina Mr. Jarvis Bernardo (Team Leader), Mr. Jerome Rambuyon, Mr. Jose Maria Cardenas at Mr. Dominic Agoto upang tumulong sa rehabilistasyon ng mga nasirang linya at upang mapabilis ang pagpapanumbalik ng kuryente sa nasasakupan ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO) na labis na naapektuhan ng Super Typhoon “Uwan”.

Ito ay tugon ng CAGELCO II sa paghingi ng tulong ng NUVELCO kung saan dalawang linggong mananatili ang grupo sa Nueva Vizcaya upang tumulong sa restorasyon, kasunod ng ginawa ring rehabilitasyon ng CAGELCO II sa coverage area na epekto rin ng nagdaang bagyo.

Pinangunahan ni CAGELCO II General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento ang naturang send-off na nagpaalala sa grupo na laging mag-ingat habang isinasagawa ang kanilang trabaho.

Kabilang ang grupo sa anim na Task Force Kapatid Crews na nagmula sa iba pang Electric Cooperatives na siyang dagdag manpower sa NUVELCO team.
Kasama rin na nasend-off sina TSD Manager Engr. Prosperido S. Ignacio, Jr., ISD Manager Kristine T. Basquez, FRSD Manager Amelia C. Paludipan, IA Manager Rodel M. Antonio at mga empleyado ng Kooperatiba.

Matatandaan na nagpadala din ang NUVELCO ng Task Force noong nakaraang taon para magpaabot ng tulong.

Ang TaskForce Kapatid ay inorganisa ng National Electrification Administation (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives’ Association (PHILRECA) kasama ang One-EC Network Foundation, PHILRECA Partylist at APEC Partylist. Kabilang din ang North East Luzon Electric Cooperatives Association o NELECA, ang EC regional association kung saan kabilang ang NUVELCO at CAGELCO II.

TaskForceKapatid

CAGELCO2

NUVELCO