Mon – Fri: 8:00 AM – 05:00 PM
(078) 888-2940

ANO ANG LIFELINE RATE AT ANG BENEPISYO NITO?

Ito ay non-cash monetary discount na ibinibigay sa mga kwalipikadong electricity consumers bilang bahagi ng tinatawag na socialized pricing mechanism. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpataw ng porsyentong diskwento sa electric bill ayon sa intinakda ng Energy Regulatory Commission.

SINO-SINO ANG PWEDENG MAKA AVAIL NITO?

(A) Mga benepisyaryo ng 4Ps o kabilang sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o 4Ps Act

(B) Marginalized end-user na ang kinikita o family income ay hindi sapat o mababa sa poverty threshold (living below the poverty threshold) ayon sa batayan ng Philippine Statistics Authority (PSA)

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG:

(A) Hindi dapat tataas sa itinakdang lebel ng konsumo ng ERC. Sa kasalukuyan, ito ay nasa 17kWh kada buwan.

(B) Mai-aaplay ang diskwento sa iisang CAGELCO II account lamang

(C) Rehistradong CAGELCO II Member-Consumer (nakapangalan sa kanya ang metro o CAGELCO II account)

Kung HINDI nakapangalan sa QUALIFIED APPLICANT ang metro, at naninirahan o nangungupahan sa kamag-anak na sineserbisyuhan ng CAGELCO II, maaring magsumite ng government-issued ID o Barangay Certificate bilang pagpapatunay.

KASALUKUYANG LIFELIFE RATE DISCOUNT NG CAGELCO II:

Karampatang diskwento sa bawat kWh consumption:

0-15 kWh – 15%

16 kWh – 10%

17 kWh – 5%

SINU-SINO ANG HINDI MAARING MAKA-AVAIL NITO?

(A) Mga naninirahan sa condominiums o subdivision project maliban sa mga naninirahan sa mga pabahay na nasa ilalim ng programa ng National Housing Authority

(B) Mga kasalukuyang gumagamit ng net metering services

(C) Mga napatunayang lumabag sa RA 7832 o ang tinatawag na “Anti-Pilferage of Electric and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994”

ANU-ANO ANG MGA REQUIREMENTS PARA MA-AVAIL ANG LIFELINE RATE?

– 4Ps BENEFICIARY:

(1) DULY ACCOMPLISHED APPLICATION FORM

(2) PINAKA-LATEST NA ELECTRIC BILL NG CAGELCO II

(3) VALID GOVERNMENT-ISSUED ID NA MAY KASAMANG ADDRESS AT SIGNATURE NG KONSUMER

– NON-4Ps BENEFICIARY:

(1) DSWD CERTIFICATION (SWDO) NA NAI-ISSUE ANIM NA BUWAN BAGO ANG INYONG APLIKASYON NA NAPGPAPATUNAY NA ANG INYONG FAMILY INCOME AY NASA BELOW POVERTY THRESHOLD

(2) DULY ACCOMPLISHED APPLICATION FORM

(3) PINAKA-LATEST NA ELECTRIC BILL NG CAGELCO II

(4) VALID GOVERNMENT-ISSUED ID NA MAY KASAMANG ADDRESS AT SIGNATURE NG KONSUMER

HANGGANG KAILAN MAGAGAMIT ANG LIFELINE RATE SUBSIDY?

– 4Ps BENEFICIARY

Ang lifeline Rate Subsidy ay maaaring magamit lamang sa loob ng panahon (within the period of time) na itinakda ng DSWD base sa Certified List nito.

– NON-4Ps BENEFICIARY

Ang lifeline Rate Subsidy ay maaaring magamit sa loob ng tatlong taon (3 years) mula sa petsa na nai-isyu ang Certification mula sa DSWD. Gayunpaman, patuloy na magsasagawa ng validation ang CAGELCO II para masigurong kwalipikado ang nasabing benepisyaryo.

Kung may karagdagang tanong o nais malaman na impormasyon patungkol dito, bumista lamang sa pinakamalapit na CAGELCO II Sub-office o sa CAGELCO II Main Office na matatagpuan sa Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan.

Maraming Salamat po!