Sa ika-16 na taon ng pagdiriwang ng National Electrification Awareness Month at ika-56 na anibersayo ng National Electrification Administration (NEA) na may temang โPowering the Futureโ ay nagsagawa ang CAGELCO II ng Line Clearing, Tree Planting at Coastal Clean-Up sa coverage area kahapon, Agosto 15, 2025, kasabay ang lahat ng mga Electric Cooperatives sa buong bansa.
Tinatayang nasa 36.8 na kilometro ng linya kuryente ang nalinisan ng mga nakaharang na sanga at dahon ng puno o tinatawag na Right-of-Way Clearing – isang regular na aktibidad ng ating Kooperatiba upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa ating mga kabahayan, establisyimento at mga pasilidad.
Taunan din ang pagsasagawa ng Tree Planting ng CAGELCO II kung saan nasa 200 na puno ang naitanim sa mga bayan ng Ballesteros, Gattaran at Sanchez Mira, Cagayan.
Dagdag pa rito ay nagsagawa ng Coastal Clean-up sa baybayin ng Barangay Maura, Aparri, Cagayan at Centro, Sta. Ana, Cagayan.
Pinangunahan ang mga programang ito ni CAGELCO II General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento kasama ang mga Board of Directors ng Kooperatiba at mga kaempleyaduhan nito.
Kasama ring nakilahok ang mga Member-Consumer-Owners sa pangunguna ni CAGELCO II Member-Consumer-Owners Organization Federation President, Bb. Roselily E. Padre at iba pang mga MCOO officers.
Nagpapasalamat din ang Kooperatiba sa suporta at partisipasyon ng mga Local Government Units, DENR, MENRO, Barangay Council, at civic groups na nagbigay daan upang maging mas matagumpay ang ating mga aktibidad at mas makabuluhan ang pagdiriwang ng 2025 National Electrification Awareness Month na naglalayong itaguyod ang environmental responsibility at community safety.
Sa mga susunod na araw ay magsasagawa rin ang ating Kooperatiba ng School Symposia para sa ating mga Senior High School na estudyante upang mas mapalawak pa ang ating information-education campaign ukol sa sektor ng enerhiya. ###















