Matagumpay na naisagawa ang Medical at Dental Mission ng CAGELCO II kung saan nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental ang 529 na katao sa Sta. Maria, Flora, Apayao, at Sicalao, Lasam, Cagayan nitong nakaraang linggo, Setyembre 12-13, 2024.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-46th Founding Anniversary ng CAGELCO II, kung saan ang kooperatiba ay naghatid ng serbisyo sa mga Member-Consumer-Owners bilang pasasalamat sa kanilang suporta.

Sa tulong at suporta ni Dr. Robert Ogalino, coop physician ng CAGELCO II, nakapaghatid ng libreng serbisyong medical at dental, pati na rin ang pamimigay ng libreng gamot at bitamina para sa mga bata at matatanda.

Kasabay ng mga serbisyong medical at dental, nagsagawa rin ng Operation Tuli katuwang ang Philippine Army na pinangungunahan ni Technical Sgt. Francis Taguba mula sa 6th Special Forces Company at Ms. Anolah Angelica Agatep, Chief Nurse mula sa Lasam District Hospital, na nagbigay ng libreng serbisyong patuli sa mga bata mula sa Sicalao, Lasam.

Bukod dito, nakiisa sa naging misyon ang mga nurses mula sa Rural Health Unit ng Apayao, Flora District Hospital, Charles W. Shelby Memorial Hospital, Inc., Lasam District Hospital, at Philippine Army.

Naghatid din ng libreng serbisyo sa nasabing aktibidad sina Dr. Amy-Liza Maruquin, Chief of Hospital ng Flora District Hospital, Dr. Mutya Samantha Matimtim, Dr. Bong Tagoc Jr., Dr. Rema Mangalao, Dr. Pearl Ignacio, at Dr. MM Salas, CAGELCO II Board of Directors, Dir. Lucrecia Concepcion (Dist. VII) at Dir. Teofilo Acosta (Dist. VIII), kasama ang Management at Staff na pinangungunahan ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Founding Anniversary ngayong Setyembre, patuloy na isasagawa ng CAGELCO II ang mga ganitong aktibidad upang magbigay-pagkilala at pagpapahalaga sa suporta ng mga MCOs.