Alinsunod sa inilabas na Notice of Resolution dated 22 March 2023 mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), inaprubahan ang inihaing petisyon ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa pag-recover ng kakulangan sa nakolektang Universal Charge-Missionary Electrification (UC-ME) noong taong 2013 at 2014 na nagkakahalaga ng PHP 4,877,735,633.90.

Ayon dito, ang lahat ng Distribution Utilities (DUs) sa bansa kung saan kabilang ang inyong kooperatiba na CAGELCO II, kasama ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay inaatasang mangolekta ng karagdagang singil sa UC-ME na PHP 0.0433/kWh sa loob ng labindalawang (12) buwan na magsisimula ngayong May, 2023 billing.

Ang Universal Charge-Missionary Electrification ay ay isang pass through charge na ginagamit na pondo ng pamahalaan sa mga proyektong pagpapailaw sa mga naninirahan sa malalayo at liblib na lugar upang masiguro ang pag-unlad ng antas ng kanilang pamumuhay at ng industriyang pang-enerhiya.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.