Bilang paggunita sa National Lineworkers Appreciation Day noong Lunes, Agosto 4, 2024, naglunsad ang kooperatiba ng kauna-unahang βLinewarriors Got Talentβ na ginanap sa CAGELCO II Multi-Purpose Hall, Aparri, Cagayan.
Ibinida ng ating mga sundalo ng pailaw ang kanilang iba-t-ibang talento mula sa pagsasayaw, pagkanta, pagsasadula at balagtasan na kung saan ay pinatunayan nila na hindi lang sila maasahan sa pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente, ngunit hindi rin sila papahuli sa pagpapasikat ng kanilang ibang mga kakayahan.
Walong grupo mula sa ibaβt β ibang sub-offices at divisions ng Technical Services Department ang nagpatagisan sa nasabing patimpalak at ang Gonzaga Sub-office ang nakasungkit ng kampeonato matapos ipamalas ang kanilang orihinal na komposisyon na kanta na sinamahan ng pag-indak.
Nasungkit naman ng 69KV Crew ang ikalawang pwesto sa kanilang ginawang pagsasadula sa sakripisyo at hamon na kinakaharap ng isang Lineman.
Habang ang Construction and Operations Maintenance Division (COMD) Crew na nagpakita ng kanilang talento sa balagtasan ay nakakuha ng ikaβtlong pwesto.
Nagsilbing hurado sa patimpalak sina Ms. Amelia Paludipan, Finance, Retail, Supply and Services Department (FRSD) Manager; Mr. Rodel Antonio, Internal Audit Department (IAD) Manager; Engr. Elmer P. Francisco, CORPLAN Chief; Ms. Odessa Mae Guillano, HRDA Chief; at si Ms. Kristine T. Basquez, Institutional Services Department (ISD) Manager bilang Chairman of the Board of Judges.
Ipinahayag naman ni Engr. Rudolph Q. Adviento, General Manager ang kanyang paghanga sa sakripisyo at dedikasyon ng mga lineman sa kanilang serbisyo sa kabila ng panganib sa kuryente. Ipinarating din nito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanila.
Ibinahagi naman ni Board President, Dir. Marilyn B. Donato ang kaniyang inspirational message para sa mga lineworkers na kung saan ay kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng kanilang kaligtasan sa kanilang ginagampanang tungkulin. Kasama rin sa pagdiriwang ang mga Area Managers, MISS Heads, at mga Main Office Staff, bilang pagsuporta sa mga lineworkers.
Nagpahayag din ng kanilang appreciation messages ang mga kawani ng CAGELCO II sa Lineworkers Appreciation Board na kung saan ay sari-saring mensahe ang kanilang ipinaabot bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo sa pagpapanatili ng liwanag sa ating mga komunidad.
























