Sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng National Electrification Administration (NEA), State Grid Corporation of China (SGCC) at CAGELCO II, gayundin ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Sta. Ana, matagumpay na naipamahagi sa 344 na kabahayan ang mga Solar Home System Kits sa anim na sitios sa Barangay Patunungan, Sta. Ana, Cagayan.
Ang mga nabanggit na libreng solar kits ay isang donasyon mula sa SGCC mula sa kanilang programang βBrighten Up II Projectβ para sa mga liblib na komunidad na kung saan ay imposible pang mapatayuan ng linya ng kuryente dahil na rin sa layo ng distansya nito mula sa existing distribution lines ng Kooperatiba. Ang nasabing proyekto ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente dito.
Sa ginanap na formal turnover nuong ika – 9 ng Septyembre, 2024, nagsagawa ang Kooperatiba ng Pre-Membership Orientation Seminar (PMOS) sa mga nakatanggap ng Solar Home System Kits upang maturuan ang mga ito sa wastong paggamit ng SHS kits gayundin ang mga kaakibat na karapatan at responsibilidad ng mga ito bilang isang miyembro ng CAGELCO II.
Ang bawat Solar Home System Kits na libreng natanggap ng mga residente sa nabanggit na barangay ay naglalaman ng isang 50-watt solar panel, apat na ilaw, flashlight, headlight, transistor radio, system box na may USB ports na kung saan ay maari makapag β charge ng mga mobile devices.
Naging matagumpay ang ginanap na malawakang registration at distribution dahil na rin sa pakikiisa ni Punong Barangay Joel Andres at buong pamunuan ng Barangay Patunungan , kasama ang representante ng LGU Sta. Ana na si Mr. Relito V. Bautista, mga opisyal at kawani ng CAGELCO II sa pangunguna nila District IX Director, Lenie P. Dones, General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, Gonzaga Sub-office Area Manager Teresita F. Ordillo, Member Services Division Chief, Princess B. Pauig at Engr. Darwin R. Guimay, Engineering Division Chief.
Pamamahalaan ng CAGELCO II ang pagpapatakbo at pagpapanatili sa nasabing proyekto upang maayos na maisulong nito ang adhikain na TOTAL ELECTRIFICATION ng ating gobyerno.





