Sa kabila ng malakas na pag-ulan, ipinagpatuloy ng CAGELCO II ang kanilang Cooperative Social Responsibility (CSR) Program at pakikipagtulungan sa Brigada Eskwela 2024. 250 na estudyante, 12 na pampublikong paaralan, at apat (4) na barangay mula sa tatlong distrito na nasasakupan ng kooperatiba ang nakatanggap ng tulong sa buwan ng Hulyo.
Nakatanggap ng tig-isang 1HP air conditioner unit ang Cabiraoan Elementary School at C. Dela Cruz Elementary School, habang nabigyan ng 12 galon ng pintura ang Pateng Elementary School. Ang Caroan Elementary School naman ay nabigyan ng 55 pirasong tiles, apat na pirasong granite tiles, sampung bag ng semento, at isang tile grout para sa pagpapaayos ng kanilang mga silid-aralan sa Gonzaga, Cagayan. Samantala, parehong nakatanggap ang Casambalangan Elementary School ng isang 1HP air conditioner unit para sa kanilang faculty room sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan, sa pamamagitan ni District IX Director, Dir. Lenie P. Dones.
Sa pangunguna ni District VIII Director, Dir. Teofilo A. Acosta, ibinigay ang mga sumusunod na donasyon sa mga paaralan bilang paghahanda sa pagsisimula ng taong panuruan 2024-2025: Nakatanggap ng tig-isang brush cutter ang ibaโt-ibang school district sa Gattaran; Gattaran West District School, Gattaran Central District School, at Gattaran East District School. Bukod dito, isang brush cutter at apat na kahong bondpaper ang ipinagkaloob sa Gattaran West Central School at natanggap naman ng Bolos Point Elementary School ng isang HP Printer at isang kahong bondpaper. Sa bayan naman ng Lasam, parehong nakatanggap ng tig-isang brush cutter ang Tagao Elementary School at Lasam West Central Elementary School.
Para sa District V, natulungan ang 250 na estudyante na mabigyan ng School Supplies sa mga barangay ng Tagum sa Camalaniugan, Bagumbayan at Magapit sa Lal-lo, at Binubongan sa Allacapan. Dagdag pa rito, nagbahagi rin ng dalawang galon ng pintura sa Bagumbayan Elementary School sa ilalim ng pamumuno ni Dir. Pastor Raymundo T. Castaรฑeda. Kasama ring dumalo at nakibahagi sa naturang programa ang iba’t ibang mga pangunahing tauhan mula sa CAGELCO II.
Kabilang sa mga dumalo sina General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento; ISD Manager Ms. Kristine T. Basquez, IAD Manager Rodel Antonio, Aparri Sub-Office (APSO), Area Manager Engr. Nathaniel L. Reyes, Magapit Sub-Office (MSO) OIC Area Manager Engr. Algeron Orquia. Kasama rin sa nasabing aktibidad sina Ms. Princess Pauig- MSD Chief, MISS heads mula sa APSO at MSO, na sina Ms. Carmel Suetos at Ms. Alma Antonio kasama rin ang Vice President ng CAGELCO II Labor Union, Ms. Zenaida Queral. Ang kanilang pagdalo at suporta, kasama ang Main Office staff, ay nagbigay-diin sa dedikasyon at layunin ng kooperatiba.
Nagpahayag naman ang mga guro, mag-aaral, at mga magulang ng kanilang pasasalamat sa malasakit at handog na munting regalo ng kooperatiba.
Ang CAGELCO II ay kasalukuyang ipinagpapatuloy ang mga programang ito upang patuloy na suportahan ang tagumpay ng mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon.








































