πππππ ππππ ππππππππ | SEPTEMBER 2025
Bagamat tayo po ay nasa gitna ng pag-kukumpuni ng mga nasirang linya ng kuryente dulot ng Bagyong Nando, nais namin ipaalam sa mga Member-Consumer-Owners ang ating electricity rate sa buwan ng Setyembre.
May bahagyang paggalaw ang overall electricity rates natin ngayong Setyembre 2025, mula sa mula Php10.5186per kWh, ngayon ay Php10.6186 perkWh na.
Tumaas sa halagang Php 0.0112 perkWh ang Generation charge kung saan ang singil na ito ay ibinabayad sa mga power suppliers.
Maging ang Transmission charge na sinisingil ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ay nagtala din ng pagtaas alinsunod sa implementasyon ng pag-kolekta ng Maximum Annual Revenue (2025) at Under-Recovery 2016-2022 na pinahintulutan ng Energy Regulatory Commission.
May karagdagang singil ang NGCP ng Php0.0384perkWh na kokolektahin sa loob ng 84 na buwan o hanggang marecover ang kabuuang halaga ng MAR at “Under recovery 2016-2022”.
Sa mga kabahayan na hindi pa po naibabalik ang serbisyo ng kuryente dala ng bagyo, hinihiling po namin ang inyong lubos na pang-unawa.