Bilang paggunita ng National Cooperative Month and National Mental Health Awareness Month ngayong buwan ng Oktubre, naghandog ang CAGELCO II ng mga programa para suportahan ang adbokasiya para sa pangkalusugang pang-kaisipan at pisikal.
Namahagi ng mga gamot sa Brgy. Casili Norte, Camalaniugan kahapon, ika-15 ng Oktubre, na naglalayong makatulong sa mga residenteng walang agarang kakayahan na maka-access ng mga gamot. Kabilang sa mga pinamigay na mga medisina ay gamot pang- high blood, diabetis, allergy, rheumatism, sakit ng tyan, ulo, at sipon.
Magkasamang namahagi ng mga ito ang ang District V Director Raymundo T. Castañeda, MCOO Federation-wide President Dr. Roselily E. Padre, at CAGELCO II Management sa pangunguna ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento.
Dagdag rito, libreng haircut naman ang hatid ng CAGELCO II para sa mga Senior Citizens ngayong araw, ika-16 ng Oktubre, na lubos na ikinatuwa ng mga lolo at lola sa Aparri, Cagayan. Ito ay nagsilbing regalo din sa kanila at maituturing na “self-care treatment”, bilang dagdag “confidence” sa kanilang sarili.
Ang mga programang ito ay inihanda ng CAGELCO II sa mga Member-Consumer-Owners bilang paalala na unahin ang kaisipan at kalusugan para sa mas maliwanag na hinaharap.