𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟱 – Ngayong araw, namahagi ang CAGELCO II ng hot meals, chocolate drinks, dental kits at iba pa para sa mga mag-aaral ng Zimay Elementary School, Aparri, Cagayan.
Kasama ang CAGELCO II Management na pinangunahan ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, maging sina District VI Director Elina Taloza at MCOO Federation-Wide President Dr. Roselily E. Padre, naghatid ng saya at pagkaing masustansya para sa siyamnapu’t-apat na mag-aaral.
Labis naman ang pasasalamat ni Ms. Vina Victoria F. Abadilla, OIC ng nasabing eskwelahan, sa handog ng CAGELCO II at napili ang paaralan para sa Cooperative Social Responsibility Program nito.
Higit pa sa serbisyong elektripikasyon, layunin din ng programa na maghatid ng liwanag sa komunidad sa pamamagitan ng magandang kalusugan sa kabataan.
Ang Cooperative Social Responsibility (CSR) Program na ito ay bilang pagdiriwang ng National Cooperative Month at National Mental Health Awareness Month ngayong buwan ng Oktubre.



















