Bilang simbolo ng bagong pag-asa, nagsagawa ng seremonyal “Switch-On” ang CAGELCO II para sa programang “Share-a-light” na may layuning magbigay ng libreng pailaw sa mga pamilyang kabilang sa marginalized sector.

Sa pamamagitan ng Ceremonial Swith-On program na ginanap, nabigyang-diin ang matibay na partnership ng CAGELCO II sa mga Local Government Units para sa pagpapatupad ng mga programa pang-elektripikasyon tungo sa mas maunlad na pamumuhay at komunidad.

Noong ika-23 ng Oktubre sa Minanga Este, Buguey, Cagayan na dinaluhan nina Mayor Licerio Millare-Antiporda III, CAGELCO II Management na pinangunahan ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento ang Ceremonial Switch-On program kasama ang apatnapu’t-limang (45) benepisyaryo para sa programa.

Gayundin naman, kahapon, ika-28 ng Oktubre ginanap din ang Switch-on program sa bagong Sanchez Mira Sub-Office kung saan limampung (50) residente mula sa Pamplona, Claveria, Sanchez Mira at Sta. Praxedes ang dumalo para masaksihan ang programa. Kasama rin sa okasyon ang CAGELCO II Board of Directors na pinangunahan ni Dir. Elizabeth B. Suarez, Board Vice President at CAGELCO II Management sa pangungunan ni GM Adviento.

Nagpapasalamat ang CAGELCO II sa pagdalo ng Alkalde Mayor ng Sanchez Mira na si Hon. Abraham B. Bagasin, SB Edgardo Aguino ng Sta. Praxedes, SB Member Jojit Calasag ng Claveria na naghatid ng ngiti sa mga MCOs at pagkilala sa mga programa ng Kooperatiba na lubos na nakakatulong sa mga mamamayan.

Bilang pasasalamat, iginawad ang Certificate of Appreciation sa mga nabanggit na Local Government Units sa pagsuporta sa Share-a-light program sa pamamagitan ng pag-isyu ng permits at iba pang paraan na sila’y nakapag-abot ng tulong.