Nabigyan ng kasiyahan ang mga nanalong Member-Consumer-Owners ng CAGELCO II sa ginanap na MCO Appreciation Week mula Setyembre 24-30, 2025.

Ang MCO Appreciation Week na pinamagatang “Pasasalamat Hatid sa Bawat MCO” ay parte ng mga aktibidad na isinagawa sa pagdiriwang ng ika-47 na anibersaryo ng Kooperatiba sa buong buwan ng Setyembre.

Portable rechargeable work lights, coffee mugs, market ecobags, string bags at Php100,000.00 worth of cash ang naipamigay na papremyo sa mga MCOs na nagbayad ng maaga sa mga Sub-Offices, Action Centers at Sit-In Collection sites nito.

Kinagiliwan din ng mga MCOs ang kanilang pagka-panalo gamit ang mala peryang palaro tulad ng “SPIN & WIN” at “DROP THE BALL”.

Pinangunahan ni CAGELCO II General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento ang aktibidad na ito kasama ang mga Board of Directors ng Kooperatiba upang personal na maipahatid ang pasasalamat ng Kooperatiba sa patuloy na suporta ng mga Member-Consumer-Owners nito. ###