Sa kabila ng banta ng #KristinePH nuong ika-21 at 22 ng Oktobre sa probinsya ng CAGAYAN, nagpakita ng pakikiisa ang CAGELCO II sa pangunguna ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, Director Elina S. Taloza ng District VI (Buguey, Sta. Teresita), Director Teofilo A. Acosta ng District VIII (Gattaran, Lasam), Department Managers at iba pang mga kawani sa pagdiriwang ng National Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre.

Sa proyektong Goat Raising Program, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Sta. Teresita sa pamumuno ni Mayor Rodrigo De Gracia, namigay ng mga kambing ang CAGELCO II sa limang Member-Consumer-Owners nito na mula sa naturang bayan. Layunin ng programang ito ang mapaunlad ang pamumuhay ng mga kunsemodores nito na nasa tinatawag na marginalized sector. Ang pondong ginamit sa donasyong ito ay mula sa nalikom na halaga sa isinagawang Zumba for a Cause ng Kooperatiba.

Samantala, hindi rin naging hadlang ang bagyong Kristine sa naganap na Feeding Program noong Martes, October 22, na kung saan ay tinatayang nasa 112 pupils mula sa Ganzano Elementary School sa bayan naman ng Gattaran, Cagayan ang natulungan nito. Bukod sa isang masustansyang “hot meal” at sweet treat na handog sa mga bata, naakatanggap rin ang mga ito ng dental kits at CAGELCO II String Bags.