Mas pinaluwang at mas pinagandang opisina ng CAGELCO II Sanchez Mira Sub-Office, bukas na!

Simula bukas, ika- 29 ng Oktubre, maaari nang magbayad ng inyong power bills sa bagong Sanchez Mira Sub-office sa Centro 02, Sanchez Mira (likod ng dating CAGELCO II Sanchez Mira Sub-office).

Pinasinayaan ang bagong opisina ng Sanchez Mira Sub-Office ngayong araw, ika-28 ng Oktubre na dinaluhan ni Board Member Randy Ursulum, DPWH representative, Engr. Genevieve Dela Cruz, General Manager Rudolph Q. Adviento at Board of Directors na pinangunahan ni Board Vice President Dir. Elizabeth B. Suarez.

Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng CAGELCO II kay Cong. Baby Aline Vargas-Alfonso para sa taos-pusong pagbibigay ng pondo para maipatayo ang gusaling ito.