(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

September 23, 2026 8:45 AM News

๐—–๐—”๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—ข ๐—œ๐—œ ๐—•๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐——๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฎ๐˜† - ๐——๐˜‚๐—ด๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48 Anibersaryo ng CAGELCO II, matagumpay na isinagawa noong Setyembre 11, 2026, sa CAGELCO II Multi-Purpose Hall, Aparri, Cagayan, ang โ€œDugong Alay, Dugtong Buhayโ€ Blood Donation Drive sa pakikipagtulungan ng CAGELCO II Labor-Management Committee (LMC).

Sa ikawalong taon, katuwang pa rin ang Philippine Red Crossโ€“Cagayan Chapter, 57 bags ng dugo ang nalikom sa muling pakikiisa ng mga boluntaryong donor na pinangunahan ng mga empleyado ng CAGELCO II, mga Member-Consumer-Owners (MCOs), at mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang ahensya at organisasyon, kabilang ang Philippine Coast Guard, BJMPโ€“Aparri, 15th Infantry Battalion, Charles W. Selby Memorial Hospital, LGU Maura, Metrobank, Maghari Security Agency, Samahan ng Cagayan Valley Incorporated (SCVI), at CHANGELS. Sa kanilang sama-samang pagkilos, muling naipamalas ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa.

Higit pa sa isang blood donation activity, ang โ€œDugong Alay, Dugtong Buhayโ€ ay naging simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at paninindigan ng CAGELCO II sa patuloy na paglilingkod sa komunidad. Sa bawat dugong naibahagi, may panibagong pag-asang naipagkakaloob at may buhay na maaaring mailigtas.

Taos-pusong nagpapasalamat ang CAGELCO II sa lahat ng ating blood donors, partner organizations, volunteers, at sa Philippine Red Crossโ€“Cagayan Chapter sa kanilang pakikiisa sa ating layunin.

Announcement

Announcement Image