(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

September 30, 2026 2:47 PM News

Maliwanag na Ngiti, Malusog na Pamayanan!

Bilang pangwakas na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-48 Anibersaryo ng CAGELCO II sa buwan ng Setyembre, isinagawa ng ating Kooperatiba ang isang Dental Mission ngayong Setyembre 30, 2026 sa Barangay Bulala Norte Gymnasium, Aparri, Cagayan.

May kabuuang 97 katao mula sa mga barangay ng Bulala Norte, Bulala Sur, Linao, at Navagan sa Aparri, Cagayan ang nabigyan ng libreng serbisyong dental, libreng gamot at dental kits para mapangalagaan ang kanilang oral health. Sa pamamagitan ng gawaing ito, naihatid natin ang serbisyong pangkalusugan na mas malapit sa ating mga Member-Consumer-Owners (MCOs) at sa kanilang mga komunidad.

Naging katuwang sa matagumpay na aktibidad ang 21 volunteers, sa pangunguna nina Dr. Justino Tagoc Jr., Dr. Jason Oliver Garcia, at Dr. Kaye Marie Chua, kasama ang mga kinatawan mula sa Aparri Provincial Hospital, Charles Selby Memorial Hospital, at Lyceum of Aparri Hospital.

Maraming salamat sa lahat ng volunteers at health professionals na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at serbisyo upang makapaghatid ng mas malusog at mas maliwanag na ngiti sa ating mga MCOs!

Announcement

Announcement Image