RATE FOR THE MONTH-DECEMBER 2021
Nais po naming ipaalam sa mga Member-Consumer-Owners ng CAGELCO II na nagtaas ang singil ng kuryente ngayong buwan sa halagang Php 0.03385 per kwh kumpara sa nakaraang buwan.

RATE FOR THE MONTH-DECEMBER 2021
Nais po naming ipaalam sa mga Member-Consumer-Owners ng CAGELCO II na nagtaas ang singil ng kuryente ngayong buwan sa halagang Php 0.03385 per kwh kumpara sa nakaraang buwan.

RATE FOR THE MONTH-NOVEMBER 2021
Nais po naming ipaalam sa mga Member-Consumer-Owners ng CAGELCO II na aasahan po natin ang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong buwan ng Nobyembre, 2021.
Ang pagtaas po ay bunsod ng pagdoble ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan isa ito sa mga pinagkukunan ng karagdagang suplay ng CAGELCO II. Ang pagtaas ng presyo ay dahil sa Scheduled Malampaya Natural Gas Facility Shutdown nitong Oktubre na nagdulot ng mababang suplay ng kuryente habang patuloy na tumataas ang demand sa paggamit ng kuryente.
Dagdag pa rito, tumaas din ang ‘fuel fee’ na naka-apekto sa singil ng mga Power Producers na magdudulot ng pagtaas sa Generation Charge.
Ang pagtaas ng presyo o singil ng kuryente ay hindi kontrolado ng CAGELCO II. Nagsisilbing Collecting Agent lamang ang Kooperatiba sa mga iba’t-ibang charges na nakatala sa inyong monthly Statement of Account.
Ang Distribution, Supply, at Metering Charges ay ang tanging napupunta sa CAGELCO II para sa patuloy na operasyon nito na hindi pa rin nagbabago simula noong 2010.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PANG-UNAWA.

RATE FOR THE MONTH-OCTOBER 2021
Naitala muli ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre!
Bumaba ang Generation cost na ipinambabayad sa nabiling suplay ng kuryente sa mga power producers at pagbaba ng halaga ng ancillary service na napapaloob sa Transmission Charge mula sa NGCP. Ang mga nabanggit na charges ay tinatawag na pass-through charges na kinokolekta lamang ng CAGELCO II at ini-reremit sa mga angkop na ahensya o kumpanya.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-SEPTEMBER 2021
Good news!
Bumaba ang singil ng kuryente ngayong buwan sa halagang Php1.0530 per kWh kumpara sa nakaraang buwan.
Ito ay dahil sa bumabang singil sa Generation cost na ipinambabayad sa nabiling suplay ng kuryente at pagbaba ng halaga ng ancillary service ng Transmission Charge mula sa NGCP. Ang mga nabanggit na charges ay tinatawag na pass-through charges na kinokolekta lamang ng CAGELCO II at ini-reremit sa mga angkop na ahensya o kumpanya.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-AUGUST 2021
POWER RATE ADVISORY:
Nagkaroon ng Php0.4460 per kWh na pagtaas ang power rate ngayong buwan ng Agosto.
Ang pagtaas ay bunsod pa rin ng pagtaas ng Generation at Transmission Charge. Ang mga nabanggit na charges ay tinatawag na pass-through charges na kinokolekta lamang ng CAGELCO II at ini-reremit sa mga naaangkop na ahensya o kumpanya. Ang Generation Charge ay ini-reremit sa mga power suppliers, samantala ini-reremit naman ang Transmission Charge sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-JULY 2021
Nakaranas muli ng pagtaas sa power rates ngayong buwan ng Hulyo sa halagang Php0.2876/kWh.
Ang pagtaas ay bunsod pa rin ng limitadong suplay sa Grid at pagtaas ng fuel cost ng mga planta dala ng mataas na demand at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH- JUNE 2021
POWER RATE ADVISORY:
Ipinapaalam sa lahat ng MCOs ng CAGELCO II na mababatid ang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong buwan ng Hunyo. Ito ay sa dahil sa pagtaas ng singil sa Generation Charge
na mula PHP4.9874 per kWh noong Mayo, ito ay tumaas sa halagang Php 6.5474 per kWh ngayong buwan.
Ang pagtaas ng Generation Charge ay dala ng mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na siyang pinang-galingan ng ilang bahagi ng ating power supply sa asalukuyang billing period. Ito ay dahil sa ang ating power supplier na GN Power Mariveles Energy Center (GMEC) ay nagtala ng power outages sa kanilang planta kung kaya’t kinakailangang bumili sa WESM upang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa CAGELCO II coverage area.
Hindi lamang sa CAGELCO II ang nakakaranas ng pagtaas ng singil ng kuryente ngayong buwan, maging ang iba’t-iba ring Electric Cooperatives at private distribution utilities sa bansa.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.
Maraming salamat sa patuloy na pag-unawa.

RATE FOR THE MONTH-MAY 2021
Nagkaroon ng bahagyang pagtaas ang sa ating power rates ngayong buwan ng Mayo sa halagang Php 0.0180/kWh kumpara sa nakaraang buwan.
Ang pagtaas ng power bills ngayong buwan ay maaaring dulot ng mataas na konsumo sa kuryente nitong nakalipas na mga araw kung saan mas madalas ang pag-gamit ng mga cooling appliances na may malakas na konsumo sa kuryente tulad ng electric fan o aircon dala ng mainit na panahon.
Ang madalas na pagbukas-sara ng refrigerator upang uminom ng malamig na tubig ay nakadaragdag din sa pagtaas ng konsumo upang mapanatili ang lamig sa loob ng refrigerator.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-APRIL 2021
Mararamdaman ang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong Abril kumpara sa nakaraang buwan sa halagang Php0.0.2866/kWh.
Tumaas ang singil sa Distribution Charge dahil ang malaking porsyento ng pinagkukunang enerhiya ay mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan may kamahalan ang presyo neto dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon.
Samantala, ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-MARCH 2021
Bahagyang bumaba ang over-all electricity rates ngayong Marso kumpara sa nakaraang buwan sa halagang Php0.0511/kWh dahil sa ipinatupad na ‘Distribution True-Up Rate Adjustment’ kung saan ini-rerefund ang Over-Recoveries sa power rates na resulta ng ‘difference’ ng estimated cost versus actual cost (Rate Adjusment= estimated cost vs actual cost). Ang rate adjustment ay naaayon sa inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Samantala, ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-FEBRUARY 2021
Bahagyang tumaas ang over-all electricity rates ngayong Pebrero kumpara sa nakaraang buwan sa halagang Php0.7005/kWh. Sa bawat 100kwh na konsumo, may humigit-kumulang na Php70.05 ang pagtaas sa inyong power bill.
Ang pagtaas ay dahil sa mas mataas na singil ng Generation Cost na napupunta sa mga Power Suppliers at Transmission Cost na singil sa serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.

RATE FOR THE MONTH-JANUARY 2021
Bahagyang tumaas ang over-all electricity rates ngayong Enero kumpara sa nakaraang buwan sa halagang Php0.3931/kWh. Humigit-kumulang Php39.31 ang itataas ng inyong power bill sa mga kumukonsumo ng 100kWh.
Kumpara sa Enero nakaraang taon, mas mababa parin ang singil ngayong buwan sa halagang Php2.02.
Ang pagtaas ay dahil sa mas mataas na singil ng Generation Cost sa mga Power Suppliers. Dagdag pa rito, ang dating Php0.0495/kWh na singil sa Feed-in-Tariff Allowance (FIT-ALL), ngayon ay Php0.0983/kWh na. Ang FIT-ALL charge ay napupunta sa National Transmission Corporation (TRANSCO) na naglalayong mapalawak pa ang renewable energy sa bansa tulad ng wind, run-of-river hydro, solar, at biomass.
Ang Distribution, Supply at Metering Charges na tanging napupunta sa CAGELCO II ay nananatiling Php 2.4034/kWh.