Mon – Fri: 8:00 AM – 05:00 PM
(078) 888-2940

POWER RATES 2025

SEP

ππŽπ–π„π‘ 𝐑𝐀𝐓𝐄 π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ | SEPTEMBER 2025

Bagamat tayo po ay nasa gitna ng pag-kukumpuni ng mga nasirang linya ng kuryente dulot ng Bagyong Nando, nais namin ipaalam sa mga Member-Consumer-Owners ang ating electricity rate sa buwan ng Setyembre.

May bahagyang paggalaw ang overall electricity rates natin ngayong Setyembre 2025, mula sa mula Php10.5186per kWh, ngayon ay Php10.6186 perkWh na.

Tumaas sa halagang Php 0.0112 perkWh ang Generation charge kung saan ang singil na ito ay ibinabayad sa mga power suppliers.

Maging ang Transmission charge na sinisingil ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ay nagtala din ng pagtaas alinsunod sa implementasyon ng pag-kolekta ng Maximum Annual Revenue (2025) at Under-Recovery 2016-2022 na pinahintulutan ng Energy Regulatory Commission.

May karagdagang singil ang NGCP ng Php0.0384perkWh na kokolektahin sa loob ng 84 na buwan o hanggang marecover ang kabuuang halaga ng MAR at “Under recovery 2016-2022”.

Sa mga kabahayan na hindi pa po naibabalik ang serbisyo ng kuryente dala ng bagyo, hinihiling po namin ang inyong lubos na pang-unawa.

august

POWER RATE ADVISORY | AUGUST 2025

Bahagyang tumaas ang overall electricity rates natin ngayong Agosto 2025 sa mula Php10.1630per kWh, ngayon ay Php10.5186 perkWh na. Tumaas sa halagang Php 0.1304 perkWh ang Generation charge na ibinabayad sa mga power suppliers. Maging ang Transmission charge na sinisingil ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ay nagtala din ng pagtaas alinsunod sa implementasyon ng pag-kolekta ng Maximum Annual Revenue (2025) at Under-Recovery 2016-2022 na pinahintulutan ng Energy Regulatory Commission. May karagdagang singil ang NGCP ng Php0.0384perkWh na kokolektahin sa loob ng 84 na buwan o hanggang mai-recover ang kabuuang halaga ng MAR at “Under recovery 2016-2022”. Sa pagtaas ng singil sa kuryente, aming hinihikayat ang mga MCOs na patuloy na magtipid at magkaroon ng wastong paggamit ng kuryente para maiwasan ang paglaki ng konsumo.

july

POWER RATE ADVISORY | JULY 2025

GOOD NEWS, ka-MCOs! Sa ikatlong pagkakataon, bumaba po ang overall electricity rates natin ngayong July 2025!

Bumaba sa halagang Php 0.1821 perkWh.

Ito ay dahil sa mababang singil ng Generation at Transmission Charges. Ang mga singil na ito ay kinokolekta lamang ng CAGELCO II at ibinabayad sa mga power suppliers at Wholesale Electricity Spot Market (WESM), samantala ang transmission charges ay napupunta naman sa National Grid Corp. of the Philippines o NGCP.

Bagamat bumaba ang singil ng kuryente, aming hinihikayat ang mga MCOs na patuloy na magtipid at magkaroon ng wastong paggamit ng kuryente para maiwasan ang paglaki ng konsumo.

JUNE

POWER RATE ADVISORY | JUNE 2025

Good news ka-MCOs!

Muling bumaba ang over-all electicity rates ngayong buwan ng Hunyo!

Bumaba ng Php0.2514 per kWh ang power rates kasabay ng pagbaba ng generation charges. Ang singil na ito ay napupunta sa mga Power Suppliers na pinagkukuhanan natin ng suplay ng kuryente. Ngayong buwan, ito ay umaabot sa Php5.3011 per kWh.

Ang tanging singil na napupunta sa CAGELCO II ay ang Distribution, Supply at Metering Charges na nananatiling nasa Php2.4034 per kWh pa rin.

Manatiling masinop pa rin sa paggamit ng electrical appliances ngayong pabago-bagong klima, tag-ulan man o tag-init para makatipid sa konsumo ng kuryente.

MAY

POWER RATE ADVISORY | MAY 2025

GOOD NEWS, ka-MCOs! Bumaba po ang overall electricity rates natin ngayong May 2025!

Bumaba ng mahigit isang piso ang singil ng kuryente sa halagang Php1.2209 perkWh.

Ang pagbaba po ng ating rates ay dahil sa sapat na suplay ng kuryente sa buong bansa na nakatulong sa pagbaba ng generation at transmission charges. Ang generation charge ay ang singil na ibinabayad sa mga power suppliers, samantala ang transmission charges naman ay napupunta sa National Grid Corp. of the Philippines o NGCP.

MATAAS PA RIN ANG BILL KAHIT BUMABA ANG POWER RATES?

Kung titingnan natin sa mga nakaraang taon, karaniwang tumataas ang konsumo sa kuryente dahil sa mainit na panahon. Maaaring makita sa inyong Statement of Account ang previous kWh consumption (Prev Reading) at present kWh consumption (Pres Reading) upang makumpara kung tumaas o bumaba ang nakonsumong kuryente.

Normal na tataas ang konsumo ng kuryente tuwing sasapit ang summer dahil sa mas madalas na paggamit ng electric fan, air conditioning unit na makakatulong upang maibsan ang init ng panahon.

Bagamat bumaba ang singil ng kuryente, aming hinihikayat ang mga MCOs na patuloy na magtipid at magkaroon ng wastong paggamit ng kuryente para maiwasan ang paglaki ng konsumo.

april

POWER RATE ADVISORY | APRIL 2025

Nakaranas tayo ng pagtaas sa singil ngayong Abril sa halagang Php 1.2560 per kWh kung kaya ang over-all electricity rates natin ngayong buwan ay nagkakahalaga ng Php 11.8174 per kWh.

Ang pagtaas ng singil ay dala ng mas mataas na generation cost mula sa mga Power Suppliers kabilang ang WESM.

Ang Transmission Charge ay tumaas din dahil sa paggalaw ng Ancillary Charge na napapaloob sa sinisingil ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Samantala, ang tanging napupunta naman sa CAGELCO II na Distribution,Supply, at Metering Charges ay walang pagbabago at nananatili pa rin sa Php2.4034 per kWh.

Tandaang inaasahan ang pagtaas ng konsumo ng kuryente ngayong buwan ng tag-init kaya pinapaalalahanan ang mga MCOs na patuloy na maging masinop at sundin ang ating mga kuryentipid tips.

march

POWER RATE ADVISORY | MARCH 2025

Good news!

Bumaba ng higit isang piso ang over-all electricity rates natin sa halagang Php1.5575 per kWh.

Bagamat bumaba ang over-all electricity rates, tumaas ang singil ng Feed-in-Tariff Allowance o FIT-ALL charge na sumusuporta para sa renewable energy development ng bansa. Tumaas ito mula Php0.0838perkWh, ito ay naging Php0.1189per kWh.

Malaki ang binaba ng singil ng Generation Charge mula Php6.4931perkWh, ito ay naging Php5.1392perkWh. Ang singil na ito ay napupunta sa mga Independent Power Producers.

Samantala, ang tanging napupunta naman sa CAGELCO II na Distribution,Supply, at Metering Charges ay walang pagbabago at nananatili pa rin sa Php2.4034 per kWh.

Pinapaalalahanan ang ating mga MCOs na patuloy maging masinop sa paggamit ng kanilang electrical appliances para makatipid sa inyong power bills.

february

POWER RATE ADVISORY | FEBRUARY 2025

Tumaas ang over-all electricity rates sa buwan ng Pebrero na ngayon ay nasa halagang Php12.1189 per kWh kumpara sa nakaraang buwan na Php 11.7774 per kWh.

Ito ay bunsod ng mataas na singil sa Generation Charge. Ang singil na ito ay inireremit ng Kooperatiba sa mga Independent Power Producers tulad ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at sa Power Suppliers nito. Mula Php6.2412 per kWh na singil sa Generation Charge, umabot ito ng Php6.4931 per kWh.

Maging ang Transmission Charge na sinisingil ng National Grid Corporation of the Philippines ay tumaas mula sa Php1.0760 per kWh ay nagingPhp 1.0973 per kWh.

Dagdag din dito, nagtaas ng singil ang Missionary Electrification Charge mula Php0.1822 per kWh na ngayon ay nasa Php0.1996 per kWh. Ang charge na ito ay inireremit sa Power Sector Assets & Liabilities Management o PSALM para sa layuning mapailawan ang mga “remote areas” na hindi abot ang serbisyong pang-elektrisidad.

Samantala, ang tanging napupunta naman sa CAGELCO II na Distribution,Supply, at Metering Charges ay walang pagbabago at nananatili pa rin sa Php2.4034 per kWh.

Pinapaalalahanan ang ating mga MCOs na patuloy maging masinop sa paggamit ng kanilang electrical appliances para makatipid sa inyong power bills.

january

POWER RATE ADVISORY | JANUARY 2025

Tumaas ang Power Rate ngayong buwan ng Enero na nasa halagang Php 11.7774 per kWh kumpara sa nakaraang buwan na Php 11.1146 per kWh.

Ang pagtaas ay bunsod ng mataas na singil sa Generation Charge na ini-reremit ng Kooperatiba sa mga Power Suppliers nito. Mula Php 5.5642 per kWh, umaabot ito ngayon ng Php6.2412 per kWh.

Ang tanging napupunta naman sa CAGELCO II na β€œDistribution, Supply at Metering Charges” ay walang pagbabago at nananatili pa rin sa Php 2.4034 per kWh.

Manigong Bagong Taon po sa ating MCOs!