Sa kabila ng banta ng masamang panahon, ang inyong mainit na suporta ay labis naming ikinagagalak dahil matgumpay nating naidaos ang 41st Annual General Membership Assembly nitong ika-19 ng Hulyo, 2025.
Umabot sa mahigit 9,500 MCOs ang dumalo on-site at nakisaya sa atin sa Gonzaga People’s Gymnasium at Sanchez Mira Gymnasium. SAmantala, umabot rin sa mahigit 2,000 MCOs ang nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng pag-register online gamit an gating AGMA portal.
Binabati din namin ang mga MCOs na umuwi ng may ngiti sa kanilang mukha dahil sa mga papremyong napanalunan. Ang 41st AGMA ang naging daan para sa mas pinalawak na pagbabalita sa CAGELCO II Updates at Accomplishments. Ito rin ang pagkakataon na makibahagi sa talakayan patungkol sa Agenda ng AGMA na “Amendments and Ratification of Coop By-Laws” kung saan nagpamalas kayo ng matinding partisipasyon at suporta.
Nagpapasalamat din po ang CAGELCO II sa Panauhing Pandangal nito na si Dir. Vic B. Pascua, Political Officer ng PHILRECA Partylist, na nagrepresenta sa butihing Cong. Presley C. De Jesus at nagpabatid sa mga kaganapan paukol sa PHILRECA Partylist bilang boses ng konsumidores sa Kongreso.
Inihahatid din namin ang pasasalamat kay NEA Admin. Antonio Mariano C. Almeda sa kanyang mensahe para sa Electric Cooperative at ang mga MCOs nito,gayundin ang mga Local Government Units na dumalo.
Nanumpa din ang mga muling naihalal na Direktor ng tatlong distrito na sina: Ginang Elizabeth B. Suarez (District II-Pamplona at Sanchez Mira); Ginang Elina S. Taloza (District VI-Buguey at Sta. Teresita); Ginang Lucrecia V. Concepcion (District VII-Luna, Flora, Pudtol, Sta. Marcela).
Mula sa pamunuan ng CAGELCO II na pinangungunahan ni Board President Dir. Marilyn B. Donato at General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, maraming salamat po sa inyong lahat!


















































































































