(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

October 24, 2026 09:31 AM Article

ISIP AY PAYAMANIN, KATAWAN AY PALAKASIN: CAGELCO II, NAGSAGAWA NG LITERACY OUTREACH PROGRAM

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng National Cooperative Month at Mental Health Awareness Month, isinagawa ng CAGELCO II ang “Feed the Mind, Feed the Body: Literacy Outreach Program” noong Oktubre 29, 2026 para sa mag-aaral ng Balingit Elementary School, Nagattatan Elementary School at Cabaggan Elementary School sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Nasa 100 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 2 ng naturang mga paaralan ang mga benepisyaryo ng programa. Namahagi ang kooperatiba ng mga bag na may lamang Literacy Kits at naghatid ng masustansiyang pagkain upang suportahan ang kalusugan, pagkatuto, at pag-unlad ng mga batang mag-aaral.

Bukod sa pagpapakain, layunin din ng programa na malinang ang interes ng mga bata sa pagbabasa at pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawaing pang-literacy na naghihikayat sa kanilang makinig, magbasa, maglaro, lumikha, at mangarap.

Pinangunahan ang aktibidad ni CAGELCO II General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, kasama sina Board President Marilyn B. Donato at Board Vice President Elizabeth B. Suarez.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga kinatawan ng mga paaralan na sina Ms. Eleonor Monroy, PhD, Teacher-in-Charge ng Balingit Elementary School; Ms. Evangeline Pagarigan, Principal II ng Nagattatan Elementary School; at Ms. Maura M. Covita, Principal III, ng Cabaggan Elementary School sa suporta at malasakit na ipinakita ng CAGELCO II sa mga mag-aaral at komunidad.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng CAGELCO II ang serbisyong higit pa sa paghahatid ng kuryente — serbisyong nagbibigay-liwanag sa kaalaman, nagpapalakas sa kalusugan, at nagbubukas ng mas magandang kinabukasan para sa kabataan.

#2026NationalCooperativeMonth

#MentalHealthAwarenessMonth

#CAGELCOII

Announcement

Announcement Image